Ang social gaming expert na si Magicyard, ay nakipag-partner sa pinakamalaking publisher at distributor ng laro sa buong mundo na si Asmodee upang ilipat ang kanilang mga pinakasikat na titulo sa TV, na nagpapadali at nagpapasaya sa mga manlalaro
TEL AVIV, Israel, Sept. 12, 2023 — Inanunsyo ngayong araw ng Magicyard, ang nangungunang startup na nagbibigay-daan sa bawat TV na maging platform para sa social gaming, na nakipag-partner sila sa lider sa larong pang-mesa na si Asmodee, upang dalhin ang pinakasikat nilang mga titulo sa TV. Ang Ticket to Ride at Exploding Kittens ang unang lalabas sa platform, na may plano ring palawakin ang portfolio sa susunod na mga taon sa iba pang mga laro mula sa kilalang index ng mga titulo ng Asmodee, tulad ng CATAN, Azul, Dixit at Carcassonne, at marami pang iba. Binubuksan ng natatanging hybrid streaming engine ng Magicyard ang daan para sa accessible, interactive at transformative na paglalaro pati na rin ang bagong karanasan sa social gaming.
Ang platform ng Magicyard ay magagamit sa higit sa 400 milyong TV, na nagbibigay-daan sa mga tao na maglaro nang hindi na kailangan ng anumang karagdagang hardware o mga kinakailangan sa pag-setup. Ang madaling gamiting TV app ay nagbibigay-daan sa isang sambahayan na makipaglaro laban sa isa’t isa mula sa magkakaibang mga kwarto, at kasing dali rin makipagkumpitensya sa mga estranghero mula sa buong mundo mula sa komport ng kanilang sariling tahanan, habang ang live chat feature ay para bang naglalaro ka nang harapan.
Inaasahan na lalago nang 11.82% CAGR mula 2022-2028 ang global na merkado ng larong pang-mesa, na nakaranas ng biglang pagtaas sa kasikatan, kasabay ng mabilis na paglago ng $9.3 bilyon kada taon na industriya ng video game streaming. Ang interseksyon ng mga industriyang ito ay nagpapahiwatig ng emerging na pangangailangan sa merkado: digital na access sa mga larong pang-mesa, partikular sa pamamagitan ng direktang pag-stream sa mga TV, at nang hindi kinakailangan ang abala at gastos sa pagbili ng karagdagang mga kontrol o kagamitan. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng availability ng karanasan sa paglalaro, tinutugunan ng Magicyard at Asmodee ang pangangailangang ito at pinaglilingkuran ang mga nagbabagong pangangailangan ng mga consumer.
“Ang layunin ng Asmodee ay magtipon ng mga tao at lumikha ng kamangha-manghang karanasan. Kami ay lider sa industriya ng larong pang-mesa at nais din naming lumikha ng magagandang karanasan online sa pamamagitan ng Board Game Arena o sa pamamagitan ng mga mobile tabletop adaptations. Ngayon, dinala ng Magicyard ang mga mahuhusay na laro sa mga screen ng ating TV, at talagang excited kami sa pagkakataong ito.” sabi ni Pierre Ortolan, SVP Interactive Licensing at business development, mula sa Asmodee.
“Napakasaya naming ianunsyo ang aming pakikipagtulungan sa Asmodee, isang pangunahing pangalan sa industriya ng paglalaro na nagbibigay-daan sa amin upang isalin ang mga panghabang-panahong paboritong mga larong pang-mesa sa screen ng TV,” sabi ni Uriel Zecharia, CEO, Magicyard. “Pinapatupad namin ang ‘Netflix para sa social gaming’ – isang pagkakataon na palawakin ang larangan ng paglalaro sa pamamagitan ng isang click lang ng remote ng TV. Isinasama ng aming platform ang musika, animation at mga tutorial, na pinalalawak ang karanasan sa larong pang-mesa para sa milyun-milyong manlalaro online, habang nananatiling tapat sa parehong gameplay tulad ng orihinal. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan na ito sa Asmodee, umaasa kaming pasiklaban ang isang bagong alon ng social gaming na tumutugon sa isang bagong henerasyon ng mga manlalaro.”
Nagbibigay ang Magicyard ng isang simpleng, masayang karanasan sa mga user nito, nang hindi nagpapabigat sa malaking bandwidth o enerhiya sa pagko-compute ng kanilang mga TV. Accessible ito sa anumang pangunahing brand ng TV kabilang ang Samsung, Amazon, Google at LG. Sa simula ay iho-host ng platform ng Magicyard ang mga classic na pang-sambahayan na laro na Ticket to Ride at Exploding Kittens. Ang mga award-winning na laro na ito ay madaling matutunan, at ang mga orihinal na bersyon para sa dalawa ay may maraming mga iba’t ibang bersyon o extension, na ginagawa silang mananalo na kombinasyon para sa exciting at challenging na online gameplay.
Tungkol sa Magicyard
Ang Magicyard ay isang nangungunang social gaming platform provider, na nagbibigay buhay sa tradisyunal na gameplay ng larong pang-mesa sa isang interactive na karanasan sa TV. Available ito sa higit sa 400 milyong TV sa buong mundo, at madaling ma-access ang software ng Magicyard sa pamamagitan ng isang click lang ng remote. Itinatag ang Magicyard noong 2021 ni Uriel Zecharia, isang expert sa product at entrepreneur. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang https://magicyard.co/
Tungkol sa Asmodee
Layunin ng Asmodee na magtipon ng mga tao at lumikha ng kamangha-manghang karanasan sa pamamagitan ng mahuhusay na mga laro at kamangha-manghang mga kuwento.
Salamat sa global at masipag nitong 2,500 empleyado, nag-eenjoy ang mga manlalaro sa buong mundo sa isa sa pinakamalaking katalogo ng IP para sa larong pang-mesa na may CATAN, Ticket to Ride, Dobble/Spot it!, Exploding Kittens at 365 pang iba sa iba’t ibang digital at physical na platform.
Headquartered sa France (Guyancourt), nag-ooperate ang Asmodee sa buong Europe, North America, South America at Asya.
Ang Asmodee ay bahagi ng Embracer Group AB, na publicly listed sa Nasdaq Stockholm sa ilalim ng ticker EMBRAC B.
Para sa karagdagang impormasyon: https://corporate.asmodee.com/
Makipag-ugnay sa Media:
Gavin Horwich
Campaign PR
gavin@campaignpr.tech
SOURCE Magicyard